
In 2016, we celebrated our 25th anniversary by raising funds for an endowment to pay for the tuition and fees of a Senior High School student for two years. In 2019, our first scholar graduated from ASHS and is now doing very well in the Loyola Schools. This year, our second scholar graduated, along with three other scholars, all of whom we provided with food allowances. All four of them have been accepted in the Loyola Schools with full scholarships, but where they will study is not yet final because—like most of their peers—they are still waiting for the UP results.What follows are their graduation photos, as well as the writeups we asked them to submit.=====Gabrielle Ayen PerezScience, Technology, Engineering, and MathematicsAteneo de Manila Senior High SchoolClass of 2021Sa dalawang taon ng pamamalagi ko sa Ateneo Senior High School, hindi pa rin ako makapaniwalang bahagi na ako ng isang mapagkalingang komunidad, ng isang mapag-arugang pamilya. Minorya lamang ang mga babae at iskolar sa batch kaya natural lang para sa akin ang mangamba. Batid kong mataas ang expectations ng mga kamag-aral at guro ko sa akin. Kahit gaano ko pa gustuhing maabot ang expectations nila sa akin, mas pinili ko na lang na maging totoo. Nagsumikap ako sa klase at tumulong sa mga nahihirapan sa lessons, lalo na sa math, kagaya ng nakagawian sa dati kong eskwela. Madaldal ako, masiyahin, laging nakatawa, at hindi ako mahiyain, kaya naging madali para sa akin ang makipagkaibigan. Maraming pagsasamahang nabuo sa magkakaibang dahilan—sa klase, sa scholar’s org, at maging sa kabilang section. Napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko kailangang baguhin ang sarili ko para lang maging kaaya-aya sa mata ng iba. Sa class awards noong Grade 11, kinilala ako bilang pinakamatulungin at pinakamasipag. Sulit ang pagod at puyat dahil nag-first honors po ako sa parehong sem. Rank 36 po ako out of all the students sa batch, at rank 25 naman po sa buong STEM. Naging mas mahirap naman po ngayong grade 12 kasi online classes at wala akong gadget at wifi. Sa mga unang buwan ng klase, sa cellphone lang ako umaattend ng meeting at sumasagot ng modules. Magastos ang araw-araw na pagloload. Walang dumarating na order ng tsinelas kina lolo at lola, kaya hindi po namin alam kung saan kami kukuha ng pang-araw-araw naming gastusin, bukod sa ayuda. Kalaunan, pinahiram po ako ng isang laptop at router na niloloadan ng school buwan-buwan at sobrang laking tulong po nito sa akin. Nanalasa ang bagyo at nagpaabot ng tulong ang school at maging ang aking mga kamag-aral. Nabanggit po sa amin na wala nang ranking at honors ngayong grade 12, pero nakatanggap naman po ako ng gantimpala sa class awards. Palagi po akong kumikilos bilang leader sa karamihan ng mga group work ngayong grade 12. Para po sa kolehiyo, nag-apply ako sa UST, Ateneo, at UP. Pasado po ako sa UST, pero wala naman po talaga akong balak na tumuloy roon. Naghanda lang po ako kung sakaling hindi ako makapasa sa Ateneo o UP. Pasado rin po ako sa Ateneo bilang isang full scholar sa kursong BS/M Applied Mathematics with Specialization in Mathematical Finance (BS/M AMF). BS Statistics naman po ang in-applyan ko sa UP at inaabangan pa po ng lahat ang results. Dream school ko po talaga ang UP, pero ngayong online class, mukhang mas aalagaan po ako ng Ateneo. Mahihirapan po ako kung wala akong sariling laptop at internet. Isang karangalan din po ang mapabilang sa honors program ng Ateneo at tila nakakapanghinayang kung pakakawalan ko yung scholarship. Hindi pa rin po ako makapagpasya nang buo para rito, pero ayon po sa pamilya ko, manatili na lang ako rito. Ganoon din naman po yung sinabi nila sa akin bago ako lumipat sa Ateneo Senior High School. Huwag na raw po akong umalis sa junior high school ko pero nagmatigas po ako at lahat kami ay hindi nagsisisi sa naging desisyon ko. Gayunpaman, maraming-maraming salamat po sa lahat ng naitulong ninyo sa amin. Salamat po sa pangungumusta. Salamat po sa tulong pinansyal na ipinagkaloob ninyo sa akin. Pinaghusayan ko po sa eskwela para masigurong sulit ang pagtulong ninyo. Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Maykapal.